Add parallel Print Page Options

Ang Talinghaga Patungkol sa Manghahasik

Nagtipun-tipon ang napakaraming mga tao at ang mga nanggaling sa bawat lungsod ay pumunta sa kaniya. Nagsalita siya sa pamamagitan ng talinghaga.

Ang manghahasik ay lumabas upang ihasik ang kaniyang binhi. Sa kaniyang paghahasik ang ilan ay nahulog sa tabi ng daan at ito ay naapakan. Ito ay kinain ng mga ibon sa langit. Ang iba ay nahulog sa bato. Nang ito ay umusbong, ito ay natuyo dahil sa kakulangan ng hamog. Ang iba ay nahulog sa dawagan. Kasabay nitong umusbongang mga dawag at ito ay nasiksik ng mga dawag. Ang iba ay nahulog sa matabang lupa. Umusbong ang mga ito at namunga ng isang daan.

Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, sumigaw siya: Ang may pandinig ay makinig.

Tinanong siya ng kaniyang mga alagad: Ano kaya ang kahulugan ng talinghagang ito? 10 Sinabi niya: Ipinagkaloob sa inyo ang makaalam ng mga hiwaga ng paghahari ng Diyos ngunit sa iba ay nagsalita ako sa pamamagitan ng mga talinghaga.

Ito ay upang sa pagtingin ay hindi sila makatalos at sa pagdinig ay hindi sila makaunawa.

11 Ngayon, ang talinghaga ay ito: Ang binhi ay ang Salita ng Diyos. 12 Ang mga nasa tabing-daan ay ang mga nakikinig. Dumating ang diyablo at kinuha ang salita mula sa kanilang mga puso. Ito ay upang hindi sila sumampalataya at maligtas. 13 Ang mga nasa bato ay sila, na nang makarinig ay may kagalakang tinanggap ang salita. Ang mga ito ay walang mga ugat na sa ilang panahon ay sumampalataya. Sa panahon ng pagsubok sila ay lumayo. 14 Ngunit ang mga nahulog sa dawag ay sila na mga nakarinig. At nang sila ay humayo, sila ay nasakal ng mga kabalisahan at mga kayamanan at mga kasiyahan ng buhay. Hindi sila lumago. 15 Ang mga nahulog sa matabang lupa ay ang mga nakarinig ng salita at tumanggap nito. Tinanganan nila ito na may marangal at mabuting puso. Sila ay nasumpungang may pagtitiis.

Ang Ilawan sa Lagayan ng Ilaw

16 Walang sinumang nagsisindi ng ilawan at pagkatapos ay tinatakpan ng banga. Wala ring nagsisindi ng ilawan at inilalagay ito sa ilalim ng higaan. Ito ay inilalagay sa lagayan ng ilawan upang ang liwanag nito ay makita ng mga puma­pasok.

17 Ito ay sapagkat walang anumang nakatago na hindi mahahayag. Wala ring anumang lihim na hindi malalaman at maliliwanagan. 18 Mag-ingat nga kayo sa inyong pakikinig sapagkat sa sinumang mayroon, siya ay bibigyan pa. Sa sinumang wala, maging ang inaakala niyang sa kaniya ay kukunin pa sa kaniya.

Read full chapter

Ang Talinghaga ng Manghahasik(A)

Nang dumating ang napakaraming tao at lumapit kay Jesus ang mga tao mula sa bawat bayan, nangusap siya sa kanila sa pamamagitan ng isang talinghaga. “Lumabas ang manghahasik upang magsaboy ng kanyang binhi. Sa kanyang paghahasik, may mga binhing nalaglag sa tabi ng daan. Natapakan ang mga ito at tinuka ng mga ibon. Ang iba naman ay nalaglag sa batuhan. Tumubo ang mga ito, ngunit dahil kulang sa halumigmig, ay agad na natuyo. Ang iba pa ay nalaglag sa gitna ng tinikan at sa kanilang paglaki ay sinakal ng mga tinik na lumaking kasama nila. Ngunit ang iba ay nalaglag sa mabuting lupa, tumubo at sa paglaki ng mga ito ay namunga ng sandaan.” Pagkasabi niya nito, siya ay nanawagan, “Ang may pandinig ay makinig.”

Ang Layunin ng mga Talinghaga(B)

Tinanong si Jesus ng kanyang mga alagad kung ano ang kahulugan ng talinghagang ito. 10 Kaya't sinabi niya sa kanila, “Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang hiwaga ng paghahari ng Diyos, ngunit sa iba ay sa talinghaga ako mangungusap. Kaya't sa pagtingin ay hindi sila makakakita at sa pakikinig ay hindi sila makauunawa.”

Ipinaliwanag ni Jesus ang Talinghaga ng Manghahasik(C)

11 “Ngayon, ito ang kahulugan ng talinghaga. Ang binhi ay ang salita ng Diyos. 12 Ang mga nalaglag sa daan ay ang mga nakarinig, ngunit nang dumating ang diyablo ay inagaw nito ang salita mula sa kanilang puso upang hindi sila sumampalataya at maligtas. 13 Ang mga nalaglag naman sa batuhan ay ang mga nakarinig sa salita at tumanggap dito nang may kagalakan. Ngunit sa kawalan ng ugat, sandali lamang sila nanampalataya at tumalikod sa panahon ng pagsubok. 14 Ang mga napadpad sa tinikan ay ang mga nakarinig ngunit sa kanilang pagpapatuloy ay sinakal ng kabalisahan, mga kayamanan at mga layaw ng buhay kaya't hindi nahinog ang kanilang bunga. 15 Ngunit ang mga nalaglag sa mabuting lupa ay iyong mga nakarinig ng salita at iningatan ito sa kanilang puso nang may katapatan at kabutihan kaya nagbunga ang kanilang pagtitiyaga.”

Ang Ilawan sa Ilalim ng Takalan(D)

16 “Walang nagsindi ng ilawan at pagkatapos ay magtatago nito sa takalan o kaya ay ilalagay sa ilalim ng higaan. Sa halip, ito ay ilalagay niya sa lalagyan upang makakita ng liwanag ang mga papasok. 17 Sapagkat walang nakatago na hindi magiging hayag, ni walang lihim na hindi malalaman at mabubunyag. 18 Kaya mag-ingat kung paano kayo nakikinig, sapagkat ang mayroon ay pagkakalooban pa, ngunit ang wala, kahit ang inaakala niyang kanya ay kukunin pa sa kanya.”

Read full chapter