Add parallel Print Page Options

14 Si Enoc na ikapitong saling lahi mula kay Adan ay naghayag ng Salita ng Diyos sa kanila. Sinabi niya: Narito, dumating ang Panginoon na kasama ang kaniyang libu-libong banal. 15 Ito ay upang silang lahat ay kaniyang hatulan at sumbatan ang lahat ng mga hindi maka-diyos na kasama nila. Kasama ang mga gawa na ginawa nila sa hindi maka-diyos na paraan, at ang mga mapanglait na salita na sinabi laban sa kaniya ng mga makasalanan, na mga hindi maka-diyos.

Read full chapter