Add parallel Print Page Options

Ang lahat ng mga bagay ay nilikha sa pamamagitan niya. Kung wala siya ay walanganumang nilikhang bagay na nalikha. Ang buhay ay nasa kaniya at ang buhay ay ang ilaw ng mga tao. Ang ilaw ay nagliwanag sa kadiliman at hindi ito naunawaan ng kadiliman.

May isang lalaking isinugong mula sa Diyos. Ang kaniyang pangalan ay Juan. Siya ay naparitong isang saksi na magpatotoo patungkol sa ilaw upang ang lahat ay sumam­palataya sa pamamagitan niya. Hindi siya ang ilaw ngunit siya ay sinugo upang magpatotoo patungkol sa ilaw. Ang tunay na ilaw ay iyong tumatanglaw sa bawat taong pumarito sa sanlibutan.

10 Siya ay nasa sanlibutan. Ang sanlibutan ay nilikha sa pamamagitan niya at hindi siya nakilala ng sangkatauhan.

Read full chapter