Juan 19:23-25
Ang Salita ng Diyos
23 Kaya nga, nang maipako na siya sa krus ng mga kawal, kinuha nila ang kaniyang mga kasuotan. Hinati nila ito sa apat na bahagi. Isang bahagi sa bawat kawal at gayundin ang kaniyang damit. Ngunit ang balabal ay walang tahi. Ito ay hinabing buo mula sa itaas pababa.
24 Sinabi nga nila sa isa’t isa: Huwag natin itong punitin. Magpalabunutan tayo kung mapapasa kanino ito.
Ito ay nangyari upang matupad ang kasulatan na nagsasabi:
Pinaghati-hatian nila ang aking damit at nagpalabunutan para sa aking balabal.
Ginawa nga ng mga kawal ang mga bagay na ito.
25 Nakatayo sa malapit sa krus ni Jesus ang kaniyang ina. Naroon din ang kapatid na babae ng kaniyang ina, si Maria na asawa ni Cleofas at si Maria na taga-Magdala.
Read full chapter
Juan 19:23-25
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
23 Pagkatapos ipako ng mga kawal si Jesus, kinuha nila ang damit niya at hinati ito sa apat na bahagi, isa para sa bawat kawal. Kinuha rin nila ang kanyang damit-panloob; wala itong tahi at hinabi nang buo mula sa itaas. 24 (A)Kaya sinabi nila sa isa't isa, “Huwag natin itong punitin; magpalabunutan na lang tayo kung kanino ito mapupunta.” Naganap ito upang matupad ang sinasabi ng Kasulatan,
“Pinaghati-hatian nila ang aking kasuotan, at para sa aking damit sila'y nagpalabunutan.”
Gayon nga ang ginawa ng mga kawal. 25 Samantala, nakatayong malapit sa krus ni Jesus ang kanyang ina, ang kapatid nitong si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.