Add parallel Print Page Options

Pagkatapos, nagbuhos siya ng tubig sa palanggana. Sinimulan niyang hugasan ang mga paa ng mga alagad. Pinunasan niya ang kanilang mga paa ng tuwalyang nakabigkis sa kaniya.

Lumapit siya kay Simon Pedro. Sinabi ni Pedro sa kaniya: Panginoon, huhugasan mo ba ang aking mga paa?

Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya: Ang aking ginagawa ay hindi mo nababatid sa ngayon, ngunit mauuna­waan mo rin ito pagkatapos.

Tumugon si Pedro sa kaniya: Kailanman ay hindi mo huhugasan ang aking mga paa.

Sumagot si Jesus sa kaniya: Kung hindi kita huhugasan, wala kang bahagi sa akin.

Sinabi ni Simon Pedro sa kaniya: Panginoon, hindi lamang ang aking mga paa kundi gayundin ang aking mga kamay at ulo.

10 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ang taong napaliguan na ay ang paa na lang ang kailangang hugasan. Siya ay lubos nang malinis. Kayo ay malilinis na bagamat hindi lahat. 11 Ito ay sapagkat alam niya kung sino ang magkakanulo sa kaniya. Ito ang dahilan kaya niya sinabi: Hindi ang lahat sa inyo ay malinis.

12 Pagkahugas nga niya ng kanilang mga paa at muling makapagsuot ng kaniyang kasuotan, siya ay umupo. Sinabi niya sa kanila: Naunawaan ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo? 13 Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon. Tama ang sinasabi ninyo sapagkat ako nga. 14 Yamang ako na inyong Panginoon at Guro ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din nga kayong maghugasan ng mga paa ng isa’t isa.

Read full chapter

Pagkatapos ay naglagay siya ng tubig sa palanggana at sinimulan niyang hugasan ang mga paa ng mga alagad at punasan ang mga ito gamit ang tuwalyang nakabigkis sa kanya. Pagdating niya kay Simon Pedro ay nagsabi ito sa kanya, “Panginoon, kayo ba ang maghuhugas ng mga paa ko?” Sumagot si Jesus, “Hindi mo naiintindihan ngayon kung ano ang ginagawa ko, subalit pagkatapos ng mga ito'y maiintindihan mo rin.” Sinabi ni Pedro sa kanya, “Hindi ninyo huhugasan kailanman ang aking mga paa.” Sumagot si Jesus, “Kung hindi kita huhugasan, wala kang bahagi sa akin.” Sinabi ni Pedro sa kanya, “Panginoon, huwag po ang mga paa ko lamang, pati na rin ang aking mga kamay at aking ulo!” 10 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ang nakapaligo na ay hindi na kailangan pang hugasan maliban sa kanyang mga paa, sapagkat malinis na siya. Kayo'y malinis na, bagama't hindi lahat.” 11 Sinabi niya, “Hindi lahat sa inyo ay malinis.” Sapagkat kilala niya kung sino ang magkakanulo sa kanya. 12 (A)Matapos niyang hugasan ang kanilang mga paa, nagsuot siya ng kanyang damit at muling naupo. Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Naiintindihan ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo? 13 Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon, at tama kayo, dahil gayon nga ako. 14 Kaya nga, kung akong inyong Panginoon at Guro ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din ninyong hugasan ang mga paa ng isa't isa.

Read full chapter