Add parallel Print Page Options

Sapagkat minsan ay naliwanagan na ang mga tao. Natikman na nila ang makalangit na kaloob at naging kabahagi na ng Banal na Espiritu. Natikman na nila ang mabuting Salita ng Diyos at ang mga kapangyarihan ng darating na kapanahunan. Kung sila ay tatalikod, hindi na maaring mapanumbalik sila sa pagsisisi. Sapagkat muli nilang ipinako sa krus para sa kanilang sarili ang anak ng Diyos.

Sapagkat ang lupa ay umiinom ng ulang malimit bumuhos dito. Pagkatapos, ito ay nagbibigay ng mga tanim na mapapa­kina­bangan ng mga nagbungkal nito. Ito ay tumatanggap ng pagpapalang mula sa Diyos. Ngunit ang lupang tinutubuan ng mga tinik at mga dawag ay tinatanggihan at nanganganib na sumpain. At ito ay susunugin sa katapusan.

Read full chapter

Sapagkat ang mga taong dati nang naliwanagan, mga nakalasap ng makalangit na kaloob, at mga naging kabahagi sa Banal na Espiritu, silang nakalasap ng kabutihan ng salita ng Diyos at ng mga kapangyarihan ng panahong darating, kapag tumalikod ay imposible nang panumbalikin sa pagsisisi, sapagkat muli nilang ipinapako sa krus at inilalagay sa kahihiyan ang Anak ng Diyos. Sapagkat tumatanggap ng pagpapala sa Diyos ang lupang umiinom ng ulang madalas na pumapatak dito at tinutubuan ng mga halamang pinakikinabangan ng mga bumungkal. Subalit (A) walang saysay ang lupang tinutubuan ng mga tinik at dawag. Nanganganib itong sumpain at ang wakas nito ay ang tupukin.

Read full chapter