Add parallel Print Page Options

Ngunit ang bawat isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat ng kaloob ni Cristo. Kaya nga, sinabi niya:

Sa kaniyang pag-akyat sa itaas ay kinuha niya ang maraming bihag at nagbigay siya ngmga kaloob sa mga tao.

Nang sinabing siya ay umakyat, ano ang kahulugan niyon? Hindi ba ito ay nangangahulugang siya rin ay bumaba muna sa mababang dako ng lupa? 10 Siya na bumaba ay siya ring umakyat sa itaas ng lahat ng mga langit upang kaniyang puspusin ang lahat ng mga bagay. 11 Ibinigay niya na maging mga apostol ang ilan, ang ilan ay maging mga propeta, ang ilan ay maging mga mangangaral ng ebanghelyo at ang ilan ay maging mga pastor at mga guro. 12 Ito ay upang maging handa ang mga banal para sa gawaing paglilingkod at para sa ikatitibay ng katawan ni Cristo. 13 Ito ay hanggang sa maabot nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya at ng kaalaman sa Anak ng Diyos, hanggang sa tayo ay maging sakdal, hanggang sa tayo ay lumaki sa pinakasukat ng kataasan ng kapuspusan ni Cristo.

Read full chapter

Ang bawat isa sa atin ay binigyan ng kaloob ayon sa sukat ng kaloob ni Cristo. Kaya't (A) nasusulat,

“Nang umakyat siya sa itaas ay dala niya ang maraming bihag,
    at namahagi siya ng mga kaloob sa mga tao.”

Sa pagsasabing, “Umakyat siya,” di ba't ipinahihiwatig nito na siya'y bumaba rin sa mas mababang dako ng lupa? 10 Ang bumaba ay siya ring umakyat sa kataas-taasang dako ng kalangitan upang mapuspos niya ang lahat ng bagay. 11 At siya ang nagbigay sa iba ng kaloob na maging apostol, sa iba'y maging propeta, sa iba'y ebanghelista, at sa iba'y pastor at guro. 12 Ito'y upang ihanda ang mga banal para sa gawain ng paglilingkod, tungo sa ikatatatag ng katawan ni Cristo, 13 hanggang marating natin lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang lubos na pagkakilala sa Anak ng Diyos, tungo sa pagiging ganap na tao, hanggang taglayin ang lubos na kabuuan ni Cristo.

Read full chapter