Add parallel Print Page Options

Ito ay sapagkat nananahan sa kaniyang katawan ang lahat ng kapuspusan ng kalikasan ng Diyos. 10 Kayo ay ganap sa kaniya na siyang pangulo ng lahat ng pamunuan at kapama­halaan. 11 Sa kaniya, kayo ay nasa pagtutuli hindi sa pamama­gitan ng mga kamay, upang hubarin ninyo ang mga kasalanan sa laman, sa pamamagitan ng pagiging nasa pagtutuli na kay Cristo. 12 Kayo ay inilibing na kasama niya sa pamamagitan ng bawtismo. Dito, kayo rin naman ay mulingbinuhay na kasama niya sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, sa paggawa ng Diyos na bumuhay sa kaniya mula sa mga patay.

13 Kayo, na mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at sa hindi pagiging nasa pagkatuli ng inyong laman, ay binuhay na kasama niya. Kayo ay pinatawad na sa lahat ng mga pagsalangsang. 14 Binura na niya ang nasulat na mga batas na laban sa atin. Inalis niya ito sa kalagitnaan natin at ipinako ito sa krus. 15 Hinubaran na niya ng kapangyarihan ang mga pamunuan at mga kapamahalaan. Inilantad niya sila sa madla at inihayag niya ang kaniyang pagtatagumpay sa pamamagitan ng krus.

16 Kaya nga, huwag ninyong hayaan na hatulan kayo ng sinuman patungkol sa pagkain, o sa inumin, o patungkol sa pagdiriwang ng kapistahan, o sa bagong buwan o sa mga araw ng Sabat. 17 Ang mga ito ay isang anino lamang ng mga bagay na darating ngunit ang katunayan ay si Cristo.

Read full chapter