Añadir traducción en paralelo Imprimir Opciones de la página

Ngunit pagkatipon ni Pablo ng isang bigkis na kahoy at mailagay sa apoy, lumabas ang isang ulupong dahil sa init. Kumapit ito sa kaniyang kamay. Nang makita ng mga barbaro ang hayop na nakabitin sa kaniyang kamay, nagsabi ang isa sa isa’t isa: Walang salang mamamatay-tao ang lalaking ito. Bagamat siya ay nakaligtas sa dagat, gayunman ay hindi siya pinabayaang mabuhay ng katarungan. Ipinagpag niya ang hayop sa apoy at siya ay hindi nasaktan. Nang magkagayon ay hinintay nilang mamaga na siya o bigla na lamang mabuwal na patay. Ngunit nang matagal na silang naghihintay at nakitang walang nangyaring masama sa kaniya, nagbago sila ng akala. Sinabi nilang siya ay isang diyos.

Read full chapter