Add parallel Print Page Options

Pagyayabang Patungkol sa Kinabukasan

13 Makinig kayo ngayon, kayong nagsasabi: Ngayon o kaya bukas, kami ay pupunta sa gayong lungsod. Mananatili kami roon ng isang taon. Kami ay mangangalakal at tutubo.

14 Ngunit hindi ninyo nalalaman kung ano ang mangyayari sa kinabukasan. Ito ay sapagkat ano ang iyong buhay? Ito ay tulad sa isang singaw na sa maikling oras ay lumilitaw at pagkatapos ay naglalaho. 15 Ito ang dapat ninyong sabihin: Kung kalooban ng Panginoon, mabubuhay tayo. Gagawin natin ang bagay na ito o ang gayong bagay.

Read full chapter