Add parallel Print Page Options

18 Ito ay sapagkat siya na naglilingkod kay Cristo sa ganitong paraan ay nagbibigay-lugod sa Diyos at katanggap-tanggap sa mga tao.

19 Kaya nga, sikapin nating abutin ang mga bagay ng kapayapaan at mga bagay na makakapagpatibay sa isa’t isa. 20 Huwag mong sirain ang gawain ng Diyos sa pamamagitan ng pagkain. Tunay na ang lahat ng bagay ay malinis. Subalit, para sa ibang tao, masama na siya ay kumakain kung ito ay magiging katitisuran.

Read full chapter