Add parallel Print Page Options

14 Idalangin ninyo sa Dios na pagpalain ang mga taong umuusig sa inyo. Pagpalain ninyo sila sa halip na sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makiramay kayo sa mga naghihinagpis. 16 Mamuhay kayo nang mapayapa sa isaʼt isa.[a] Huwag kayong magmataas, sa halip ay makipagkaibigan kayo sa mga taong mababa ang kalagayan. Huwag kayong magmarunong.

Read full chapter

Footnotes

  1. 12:16 Mamuhay kayo nang mapayapa sa isaʼt isa: o, Ituring ninyo nang pantay-pantay ang bawat isa.