Add parallel Print Page Options

12 Ito ay sapagkat walang pagkakaiba sa mga Judio at mga Gentil sapagkat iisa ang Panginoon na nagpapala ng masagana sa lahat ng tumatawag sa kaniya. 13 Ito ay sapagkat:

Ang bawat isang tatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.

14 Papaano nga sila tatawag sa kaniya kung hindi sila sumasampalataya sa kaniya? Papaano sila sasampalataya sa kaniya kung hindi sila nakakapakinig patungkol sa kaniya? Papaano sila makakapakinig kung walang mangangaral?

Read full chapter