Mga Kawikaan 1:1-7
Ang Biblia (1978)
Ang kagamitan ng mga kawikaan. Pagiingat laban sa hibo ng makasalanan.
1 Ang mga (A)kawikaan ni Salomon na anak ni David na hari sa Israel:
2 Upang umalam ng karunungan at turo;
Upang bulayin ang mga salita ng pagkaunawa;
3 Upang (B)tumanggap ng turo sa pantas na paguugali,
Sa katuwiran, at kahatulan, at karampatan;
4 Upang magbigay ng (C)katalinuhan sa (D)musmos.
Kaalaman at pagbubulay sa kabataan:
5 Upang marinig ng pantas, at lumago sa ikatututo:
At upang tamuhin ng taong may unawa ang magagaling na payo:
6 Upang umunawa ng kawikaan at ng kahulugan;
Ng mga salita ng pantas, at ng kanilang malalabong sabi.
7 (E)Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman:
Nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.
Mga Kawikaan 2
Ang Biblia (1978)
Ang babala ng karunungan laban sa mga napopoot sa kaniya.
2 Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita,
(A)At tataglayin mo ang aking mga utos;
2 Na anopa't iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan,
At ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa;
3 Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay,
At itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa;
4 (B)Kung iyong hahanapin siya na parang pilak,
At sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago.
5 Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon,
At masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios.
6 Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan,
Sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan:
7 Kaniyang pinapagtataglay ang matuwid ng magaling na karunungan,
(C)Siya'y kalasag sa nagsisilakad sa pagtatapat;
8 Upang kaniyang mabantayan ang mga landas ng kahatulan,
At (D)maingatan ang daan ng kaniyang mga banal.
9 Kung magkagayo'y mauunawa mo ang katuwiran at ang kahatulan,
At ang karampatan, oo, bawa't mabuting landas.
10 Sapagka't karunungan ay papasok sa iyong puso,
At kaalaman ay magiging ligaya sa iyong kaluluwa;
11 Kabaitan ay magbabantay sa iyo,
Pagkaunawa ay magiingat sa iyo:
12 Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan,
Sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay;
13 Na nagpapabaya ng mga landas ng katuwiran,
(E)Upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman;
14 Na (F)nangagagalak na magsigawa ng kasamaan,
At (G)nangaaaliw sa mga karayaan ng kasamaan,
15 Na mga liko sa kanilang mga lakad,
At mga suwail sa kanilang mga landas:
16 (H)Upang iligtas ka sa masamang babae,
Sa makatuwid baga'y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita;
17 (I)Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan,
At lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios:
18 Sapagka't ang (J)kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan,
At ang kaniyang mga landas na sa patay:
19 Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli,
Ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay:
20 Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao,
At maingatan ang mga landas ng matuwid.
21 (K)Sapagka't ang matuwid ay tatahan sa lupain,
At ang sakdal ay mamamalagi roon.
22 (L)Nguni't ang masama ay mahihiwalay sa lupain,
At silang nagsisigawang may karayaan ay mangabubunot.
Mga Kawikaan 4
Ang Biblia (1978)
Ang pangmagulang na payo upang lumakad sa karunungan.
4 Dinggin ninyo, (A)mga anak ko, ang turo ng ama,
At makinig kayo upang matuto ng kaunawaan:
2 Sapagka't bibigyan ko kayo ng mabuting aral;
Huwag ninyong bayaan ang aking kautusan.
3 Sapagka't ako'y anak sa aking ama,
(B)Malumanay at bugtong sa paningin ng aking ina.
4 (C)At tinuruan niya ako, at nagsabi sa akin:
Pigilan ng iyong puso ang aking mga salita;
(D)Ingatan mo ang aking mga utos, at mabuhay ka:
5 (E)Magtamo ka ng karunungan, magtamo ka ng kaunawaan;
Huwag mong kalimutan, ni humiwalay man sa mga salita ng aking bibig:
6 Huwag mo siyang pabayaan at iingatan ka niya;
(F)Ibigin mo siya at iingatan ka niya.
7 Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya't kunin mo ang karunungan:
Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa.
8 (G)Iyong ibunyi siya, at kaniyang itataas ka:
Kaniyang dadalhin ka sa karangalan, pagka iyong niyakap siya.
9 Siya'y magbibigay sa iyong ulo ng (H)pugong na biyaya:
Isang putong ng kagandahan ay kaniyang ibibigay sa iyo.
10 Dinggin mo, Oh anak ko, at iyong tanggapin ang aking mga sinasabi;
(I)At ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami.
11 Aking itinuro ka sa daan ng karunungan;
Aking pinatnubayan ka sa landas ng katuwiran.
12 Pagka ikaw ay yumayaon (J)hindi magigipit ang iyong mga hakbang;
At kung ikaw ay tumatakbo, hindi ka matitisod.
13 Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan:
Iyong ingatan: sapagka't siya'y iyong buhay.
14 (K)Huwag kang pumasok sa landas ng masama,
At huwag kang lumakad ng lakad ng mga masasamang tao.
15 Ilagan mo, huwag mong daanan;
Likuan mo, at magpatuloy ka.
16 (L)Sapagka't hindi sila nangatutulog, malibang sila'y nakagawa ng kasamaan;
At ang kanilang tulog ay napapawi, malibang sila'y makapagpabuwal.
17 Sapagka't sila'y nagsisikain ng tinapay ng kasamaan,
At nagsisiinom ng alak ng karahasan.
18 (M)Nguni't ang landas ng matuwid (N)ay parang maliyab na liwanag,
Na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw.
19 (O)Ang lakad ng masama ay parang kadiliman:
Hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran.
20 Anak ko, makinig ka sa aking mga salita;
Ikiling mo ang iyong pakinig sa aking mga sabi.
21 (P)Huwag mangahiwalay sa iyong mga mata;
(Q)Ingatan mo sa kaibuturan ng iyong puso.
22 Sapagka't (R)buhay sa nangakakasumpong,
At kagalingan sa buo nilang katawan.
23 Ingatan mo ang iyong puso ng buong sikap;
(S)Sapagka't dinadaluyan ng buhay,
24 Ihiwalay mo sa iyo ang masamang bibig,
At ang mga suwail na labi ay ilayo mo sa iyo.
25 Tuminging matuwid ang iyong mga mata,
At ang iyong mga talukap-mata ay tuminging matuwid sa harap mo.
26 Papanatagin mo ang landas ng iyong mga paa,
At mangatatag ang lahat ng iyong lakad.
27 (T)Huwag kang lumiko sa kanan o sa kaliwa man:
Ihiwalay mo ang iyong paa sa kasamaan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978