Font Size
Pahayag 22:16-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Pahayag 22:16-18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
16 “Akong(A) si Jesus ang nagsugo sa aking anghel upang ang mga bagay na ito'y ipahayag sa inyo na nasa mga iglesya. Ako ang ugat at supling ni David; ako ang maningning na bituin sa umaga.”
17 Sinasabi(B) ng Espiritu at ng babaing ikakasal, “Halikayo!”
Lahat ng nakakarinig nito ay magsabi rin, “Halikayo!”
Lumapit ang sinumang nauuhaw; kumuha ang may gusto ng tubig na nagbibigay-buhay; ito'y walang bayad.
Pagwawakas
18 Akong(C) si Juan ay nagbibigay ng babala sa sinumang makarinig sa mga propesiya na nasa aklat na ito: sa sinumang magdaragdag sa nilalaman ng aklat na ito ay idaragdag ng Diyos sa kanya ang mga salot na nakasulat dito.
Read full chapter