Add parallel Print Page Options

14 Pinagpala (A) ang mga naghuhugas ng kanilang mga damit, upang magkaroon sila ng karapatan sa puno ng buhay at makapasok sa mga pintuan ng lungsod. 15 Sa labas naman ay ang mga aso, mga mangkukulam, mga mapakiapid, mga mamamatay-tao, mga sumasamba sa diyus-diyosan, at ang bawat mahilig gumawa ng kasinungalingan.

16 “Akong (B) si Jesus ang nagsugo ng aking anghel sa inyo upang magpatotoo sa mga bagay na ito sa harap ng mga iglesya. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga.”

Read full chapter