Add parallel Print Page Options

22 Sinabi ni Agripa kay Festo, “Gusto kong mapakinggan ang taong iyan.”

“Mapapakinggan mo siya bukas,” tugon naman ni Festo.

Iniharap si Pablo kina Agripa at Bernice

23 Kinabukasan, dumating sina Agripa at Bernice, kasama ang matataas na punong kawal at ang mga tanyag na tao sa lungsod. Buong karangyaan silang pumasok sa bulwagan ng hukuman at iniutos ni Festo na si Pablo'y iharap sa kanila. 24 Sinabi ni Festo, “Haring Agripa, at lahat ng naririto, narito po ang lalaking isinakdal sa akin ng mga Judio rito at sa Jerusalem. Ipinagsisigawan nilang hindi siya dapat mabuhay.

Read full chapter