Add parallel Print Page Options

22 Sinabi ni Agripa kay Festo, “Ibig ko ring mapakinggan ang taong iyan.” “Mapapakinggan mo siya bukas,” tugon ni Festo.

23 Kinabukasa'y buong ringal na dumating sina Agripa at Bernice. Pumasok sila sa bulwagan ng hukuman kasama ang mga punong kapitan at ang mga kilalang tao sa lungsod. Pagkatapos ay ipinasok si Pablo sa utos ni Festo. 24 Sinabi ni Festo, “Haring Agripa, at lahat ng mga kasama namin ngayon, masdan ninyo ang taong ito na ipinagsakdal sa akin ng sambayanan ng mga Judio dito at sa Jerusalem. Ipinagsisigawan nilang wala na siyang karapatang mabuhay.

Read full chapter