Add parallel Print Page Options

12 At mula doo'y (A)ang Filipos, na isang bayan ng Macedonia, na siyang (B)una sa purok, lupang nasasakupan ng Roma: at nangatira kaming ilang araw sa bayang yaon.

13 At nang araw (C)ng sabbath ay nagsilabas kami sa labas ng pintuan sa tabi ng ilog, na doo'y sinapantaha naming may mapapanalanginan; at kami'y nangaupo, at nakipagsalitaan sa mga babaing nangagkatipon.

14 At isang babaing nagngangalang Lidia, na mangangalakal ng kayong kulay-ube, na taga bayan ng (D)Tiatira, isang masipag sa kabanalan, ay nakinig sa amin: na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang unawain ang mga bagay na sinalita ni Pablo.

Read full chapter