Mateo 26:14-16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Nakipagkasundo si Judas sa mga Kaaway ni Jesus(A)
14 Pagkatapos nito, isa sa labindalawa na nagngangalang Judas Iscariote ang pumunta sa mga punong pari, 15 at (B) nagtanong, “Ano'ng ibibigay ninyo sa akin, kung ibibigay ko siya sa inyo?” At siya'y binayaran nila ng tatlumpung pirasong pilak. 16 Mula noon ay humanap siya ng pagkakataon na maipagkanulo si Jesus.[a]
Read full chapterFootnotes
- Mateo 26:16 Sa Griyego, siya.
Lucas 22:3-6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
3 Pumasok si Satanas kay Judas, na tinatawag na Iscariote, na kabilang sa labindalawa. 4 Umalis siya at nakipag-usap sa mga punong pari at mga pinuno ng mga bantay sa templo kung paano niya maipagkakanulo sa kanila si Jesus. 5 Natuwa sila at nagkasundong bigyan ng salapi si Judas. 6 Pumayag naman ito at naghanap ng pagkakataong ipagkanulo si Jesus sa kanila nang lingid sa maraming tao.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.