Add parallel Print Page Options

21 Ngunit wala itong ugat sa kaniyang sarili kaya hindi ito nagtagal. Kapag dumating ang paghihirap o pag-uusig dahil sa salita, kaagad itong natitisod. 22 Ang mga naihasik sa mga dawagan ay ang nakikinig ng salita. Ngunit ang kabalisahan ng kapanahunang ito at ang daya ng kayamanan ang dumaig sa salita, at hindi ito nagbunga. 23 Ang mga naihasik sa matabang lupa ay ang nakikinig ng salita at nauunawaan ito. Kaya naman, ito ay nagbubunga, ang ilan ay tig-iisangdaan, ang ilan ay tig-aanimnapu at ang ilan ay tig-tatatlumpu.

Read full chapter