Add parallel Print Page Options

29 “At kayo, ano ang sinasabi ninyo kung sino ako?” (A) tanong niya sa kanila. Sumagot si Pedro, “Ikaw ang Cristo.”[a] 30 Mahigpit na ipinagbilin ni Jesus sa kanila na huwag sasabihin kaninuman ang tungkol sa kanya.

Unang Pagpapahayag ni Jesus tungkol sa Kanyang Kamatayan(B)

31 Mula noo'y sinimulan niyang ituro sa mga alagad na ang Anak ng Tao ay dapat dumanas ng maraming hirap, at itakwil ng matatandang pinuno, ng mga punong pari, at ng mga tagapagturo ng Kautusan. Siya'y papatayin ngunit pagkaraan ng tatlong araw ay muling mabubuhay.

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 8:29 o ang Mesiyas.