Add parallel Print Page Options

22 Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat sapagkat papuputukin lamang ng alak ang sisidlang-balat, at kapwa masasayang ang alak at ang sisidlan. [Sa halip, ang bagong alak ay inilalagay sa bagong sisidlang-balat!]”[a]

Katanungan tungkol sa Araw ng Pamamahinga(A)

23 Isang(B)(C) Araw ng Pamamahinga, naparaan si Jesus at ang kanyang mga alagad sa triguhan. Habang sila'y naglalakad, ang mga alagad ay pumipitas ng trigo. 24 Sinabi ng mga Pariseo kay Jesus, “Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga alagad. Mahigpit iyang ipinagbabawal ng Kautusan sa Araw ng Pamamahinga!”

Read full chapter

Footnotes

  1. 22 Sa halip…sa bagong sisidlang-balat: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.