Add parallel Print Page Options

Pagkalabas nila sa libingan, nagmamadali silang tumakbo na nanginginig at nanggigilalas at dahil sa takot, wala silang sinabing anuman sa kaninumang tao.

Nang si Jesus ay bumangon sa unang araw ng sanlinggo, siya ay unang nagpakita kay Maria na taga-Magdala. Siya ang babaeng na may pitong demonyo na pinalabas ni Jesus. 10 Umalis si Maria at isinalaysay ito sa mga naging kasama ni Jesus na namimighati at tumatangis.

Read full chapter