Marcos 13:32-37
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Walang Taong Nakakaalam ng Araw o Oras na Iyon(A)
32 “Subalit (B) tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, maliban sa Ama. 33 Mag-ingat kayo at maging handa[a], sapagkat hindi ninyo alam kung kailan darating ang takdang panahon. 34 Tulad (C) nito ay isang taong umalis upang maglakbay. Sa pag-alis niya'y iniwan niya sa kanyang mga alipin ang pamamahala. Binigyan niya ng tungkulin ang bawat isa, at inutusan ang tanod sa pinto na magbantay. 35 Kaya nga magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam kung kailan babalik ang panginoon ng sambahayan, kung sa gabi, sa hatinggabi, sa pagtilaok ng manok, o sa pagbubukang-liwayway. 36 Baka bigla siyang dumating at madatnan niya kayong natutulog. 37 Anumang sinasabi ko sa inyo'y sinasabi ko sa lahat: Magbantay kayo.”
Read full chapterFootnotes
- Marcos 13:33 Sa ibang manuskrito may karugtong na “at manalangin”
Lucas 17:26-30
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
26 Gaya nang nangyari noong panahon ni Noe, ganoon din ang mangyayari sa araw ng Anak ng Tao. 27 Ang mga tao noon ay nagkakainan, nag-iinuman, nag-aasawa, at pinag-aasawa hanggang sa araw na pumasok na sa daong si Noe at dumating ang baha at nilipol silang lahat. 28 Ganoon din noong mga araw ni Lot. Sila'y nagkakainan, nag-iinuman, namimili, nagbibili, nagtatanim at nagtatayo. 29 Subalit nang araw na umalis si Lot sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre mula sa langit at pinuksa silang lahat. 30 Ganoon din ang mangyayari sa araw na maihayag ang Anak ng Tao.
Read full chapter
Lucas 17:34-36
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
34 Sinasabi ko sa inyo, sa gabing iyon, dalawa ang nasa isang higaan, ang isa ay kukunin at iiwan ang isa. 35 May dalawang babaing magkasama sa gilingan, ang isa ay kukunin at iiwan ang isa. 36 May dalawang lalaki sa bukid, ang isa ay kukunin at iiwan ang isa.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.