Font Size
Marcos 1:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Marcos 1:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Pangangaral ni Juan na Tagapagbautismo(A)
1 Ito ang simula ng Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo, [ang Anak ng Diyos].[a] 2 Tulad(B) ng nakasulat sa aklat ni propeta Isaias,
“Narito ang sugo ko na aking ipadadalang mauuna sa iyo;
ihahanda niya ang iyong daraanan.
3 Ito(C) ang pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang:
‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon,
gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran!’”
Footnotes
- 1 ang Anak ng Diyos: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.