Add parallel Print Page Options

[12 Ngunit tumayo si Pedro at patakbong nagpunta sa libingan. Yumuko siya, at pagtingin sa loob ay wala siyang nakita kundi ang mga telang lino na ipinambalot kay Jesus. Kaya't umuwi siyang nagtataka sa nangyari.][a]

Sa Daang Papunta sa Emaus(A)

13 Nang araw ding iyon, may dalawang alagad na naglalakad papuntang Emaus, isang nayong may labing-isang kilometro[b] ang layo mula sa Jerusalem. 14 Pinag-uusapan nila ang mga pangyayari.

Read full chapter

Footnotes

  1. 12 Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang talatang 12.
  2. 13 labing-isang kilometro: Sa Griego ay 60 stadia .