Add parallel Print Page Options

17 Kung alam na ninyo ang mga bagay na ito ay pinagpala kayo kung gagawin ninyo ang mga ito.

Ipinagpauna nang Sabihin ni Jesus na may Magkakanulo sa Kaniya

18 Hindi kayong lahat ang tinutukoy ko. Kilala ko ang aking mga hinirang. Dapat matupad ang kasulatan: Ang kumakain ng tinapay na kasama ko ang siyang nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.

19 Ngayon ay sinasabi ko na sa inyo bago pa ito dumating. Kung mangyayari na ito ay maaaring sasampalataya kayo na ako nga iyon.

Read full chapter