Add parallel Print Page Options

17 Kung nalalaman ninyo ang mga bagay na ito, kayo ay mapapalad kung inyong mga gawin.

18 (A)Hindi ko sinasalita tungkol sa inyong lahat: nalalaman ko ang aking mga hinirang: nguni't upang matupad ang kasulatan, (B)Ang kumakain ng aking tinapay ay nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.

19 Mula ngayon ay sinasalita ko sa inyo (C)bago mangyari, upang, pagka nangyari, kayo'y magsisampalataya (D)na ako nga.

Read full chapter