Add parallel Print Page Options

18 Isinilang ang sanggol pero nasa bingit ng kamatayan si Raquel. Bago siya malagutan ng hininga, pinangalanan niya ang sanggol na Ben Oni.[a] Pero pinangalanan ni Jacob ang sanggol na Benjamin.[b]

19 Namatay si Raquel at inilibing sa tabi ng daan na papunta sa Efrata (na tinatawag ngayong Betlehem). 20 Nilagyan ni Jacob ng bato ang libingan ni Raquel bilang palatandaan, at hanggang ngayon naroon pa rin ang palatandaang ito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 35:18 Ben Oni: Ang ibig sabihin, ang anak na isinilang sa hirap.
  2. 35:18 Benjamin: Ang ibig sabihin, mapalad na anak.