Add parallel Print Page Options

Ang Pagkamatay ni Raquel

16 Umalis si Jacob at ang sambahayan niya sa Betel. Manganganak na noon si Raquel. Malayo pa sila sa bayan ng Efrata, sumakit na ang tiyan ni Raquel. 17 Nang matindi na ang sakit, sinabi ng manghihilot sa kanya, “Huwag kang matakot Raquel, lalaki na naman ang anak mo.” 18 Isinilang ang sanggol pero nasa bingit ng kamatayan si Raquel. Bago siya malagutan ng hininga, pinangalanan niya ang sanggol na Ben Oni.[a] Pero pinangalanan ni Jacob ang sanggol na Benjamin.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 35:18 Ben Oni: Ang ibig sabihin, ang anak na isinilang sa hirap.
  2. 35:18 Benjamin: Ang ibig sabihin, mapalad na anak.