Font Size
Gawa 28:8-10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Gawa 28:8-10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
8 Nagkataon noon na ang ama ni Publius ay may sakit. May lagnat siya at disintirya. Kaya pumasok si Pablo sa kanyang silid at nanalangin. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa may sakit at gumaling ito. 9 Dahil sa pangyayaring iyon, ang lahat ng may sakit sa isla ay pumunta sa amin at pinagaling din sila. 10 Marami silang ibinigay sa amin na regalo. At nang paalis na kami, binigyan pa nila kami[a] ng mga kakailanganin namin sa paglalakbay.
Read full chapterFootnotes
- 28:10 binigyan pa nila kami: o, dinalhan pa nila kami sa barko.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®