Font Size
Exodo 2:23-25
Ang Biblia (1978)
Exodo 2:23-25
Ang Biblia (1978)
23 At nangyari pagkaraan ng maraming araw na ang hari sa Egipto ay namatay; at ang mga anak ni Israel ay nagbuntong hininga dahil sa pagkaalipin, at sila'y dumaing (A)at ang kanilang daing ay umabot sa Dios dahil sa pagkaalipin.
24 At dininig ng Dios ang kanilang hibik, at (B)naalaala ng Dios ang kaniyang (C)tipan kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob,
25 At nilingap ng Dios ang mga anak ni Israel, at sila'y kinilala ng Dios.
Read full chapter
Nehemias 9:9
Ang Biblia (1978)
Nehemias 9:9
Ang Biblia (1978)
9 At iyong nakita ang (A)kadalamhatian ng aming mga magulang sa Egipto, at iyong dininig ang kanilang daing sa tabi ng Dagat na Mapula:
Read full chapter
Mga Awit 106:44
Ang Biblia (1978)
Mga Awit 106:44
Ang Biblia (1978)
44 Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan,
Nang kaniyang marinig ang kanilang daing:
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978