Add parallel Print Page Options

Ang Pangitain ni Pablo at ang Tinik na Ibinigay ng Diyos sa Kaniya

12 Ang magmalaki ay hindi kapakinabangan sa akin. Paparito ako sa mga pangitain at mga pahayag ng Panginoon.

May alam akong isang lalaki na na kay Cristo. Hindi ko alam kung ito ay sa katawan o wala sa katawan, ang Diyos ang siyang nakakaalam. Labing-apat na taon na ang nakalipas, ang lalaking ito ay inagaw paitaas sa ikatlong langit. May alam akong isang lalaki. Kung ito ay sa katawan o wala sa katawan hindi ko alam, ang Diyos ang nakakaalam. Siya ay inagaw paitaas sa paraiso at nakarinig ng mga salitang hindi mabibigkas. Hindi ito ipinahihintulot na sabihin sa tao.

Read full chapter