Add parallel Print Page Options

Katapatan sa Ebanghelyo

Nagpapasalamat ako sa Diyos, na pinaglingkuran ko nang may malinis na budhi gaya ng ginawa ng aking mga ninuno, tuwing inaalala kita sa aking mga panalangin araw at gabi. Naaalala ko ang iyong mga pagluha, kaya sabik na sabik na akong makita ka, upang malubos ang aking kagalakan. Naaalala (A) ko ang iyong tapat na pananampalataya, na unang tinaglay ng iyong Lola Loida at ng iyong inang si Eunice. Natitiyak kong nasa iyo rin ang pananampalatayang ito.

Read full chapter