Añadir traducción en paralelo Imprimir Opciones de la página

Ito ay sapagkat ibinigay ko na nga sa inyo nang una pa lamang ang akin ding tinanggap, na si Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa mga kasulatan. Siya rin ay inilibing at siya ay ibinangon sa ikatlong araw ayon sa mga kasulatan. Siya ay nagpakita kay Cefas at gayundin sa labindalawang alagad. Pagkatapos nito sa isang pagkakataon, nagpakita siya sa mahigit na limandaang kapatiran. Ang nakakaraming bahagi nito ay nananatili hanggang ngayon at ang ilan ay natulog na. Pagkatapos siya ay nagpakita kay Santiago at saka sa lahat ng mga apostol. Sa kahuli-hulilan, nagpakita siya sa akin, ako na tulad ng isang sanggol na ipinanganak ng wala sa panahon.

Ito ay sapagkat ako ang pinakamababa sa lahat ng mga apostol, na hindi nararapat tawaging apostol dahil inusig ko ang iglesiya ng Diyos.

Read full chapter