Add parallel Print Page Options

19 Anong sasabihin ko? Sasabihin ko bang may kabuluhan ang diyos-diyosan o ang inihain sa mga diyos-diyosan ay may kabuluhan? 20 Sinasabi ko: Ang inihahain ng mga Gentil ay inihahain nila sa mga demonyo at hindi sa Diyos. Hindi ko ibig na kayo ay maging kapwa kabahagi ng mga demonyo. 21 Hindi ka makaiinom sa saro ng Panginoon at sa saro ng mga demonyo. Hindi ka makakabahagi sa hapag ng Panginoon at sa hapag ng mga demonyo. 22 Iniinggit ba natin ang Panginoon? Higit ba tayong malakas kaysa sa kaniya?

Ang Kalayaan ng Mananampalataya

23 Para sa akin, ang lahat ng bagay ay ayon sa kautusan, subalit hindi lahat ng mga bagay ay kapakipakinabang. Para sa akin ang lahat ng mga bagay ay ayon sa batas ngunit hindi lahat ng bagay ay nakakapagpatibay.

24 Huwag hangarin ng sinuman ang para sa sarili niya kundi ang para sa kapakanan ng iba.

25 Anumang ipinagbibili sa pamilihan ay kainin ninyo. Huwag nang magtanong alang-alang sa budhi. 26 Ito ay sapagkat

ang lupa ay sa Panginoon at ang lahat ng kasaganaan nito.

27 Kapag ang sinuman sa mga hindi sumasampalataya ay mag-anyaya sa inyo, pumunta kayo kung ibig ninyo. Kainin ninyo ang lahat ng inihanda sa inyo. Huwag nang magtanong alang-alang sa budhi. 28 Kapag may nagsabi sa iyo: Ito ay inihain sa diyos-diyosan. Huwag kang kumain alang-alang sa kaniya na nagsabi sa iyo at alang-alang sa budhi sapagkat ang lupa ay sa Panginoon at ang kasaganaan nito. 29 Ang budhi na sinasabi ko ay hindi ang sa iyo kundi ang sa iba. Bakit hahatulan ng ibang budhi ang aking kalayaan?

Read full chapter