Add parallel Print Page Options

Ang Balak na Pagdalaw ni Pablo sa Roma

23 Sa ngayon wala na akong kalalagyan sa mga lalawigang ito. Maraming taon na rin akong nananabik na pumunta sa inyo.

24 Kapag ako ay makapunta sa Espanya, pupunta ako sa inyo sapagkat inaasahan kong makita kayo sa aking paglalakbay at matulungan ninyo ako sa patuloy kong paglalakbay. Ito ay pagkatapos na magkaroon ako ng kasiyahan sa ating pagsasama-sama. 25 Sa ngayon, ako ay papunta sa Jerusalem upang maglingkod sa mga banal. 26 Ito ay sapagkat isang kaluguran samga taga-Macedonia at sa mga taga-Acaya ang makapagbigay ng kaloob sa pagsasama-sama ng mga mahihirap sa mga banal na nasa Jerusalem. 27 Nalugod sila sa paggawa nito at ito ay ibinilang nilang pagkakautang nila sa kanila sapagkat ang mga Gentil ay naging kabahagi ng mga Judio sa kanilang espirituwal na pagpapala. Kaya naman ang mga Gentil ay dapat na maglingkod sa mga Judio sa mga bagay na ukol sa katawan. 28 Kaya nga, tatapusin ko ang tungkuling ito at titiyakin kong matanggap nila ang bungang ito. Pagkatapos, dadaan ako sa inyo pagpunta ko sa Espanya.

Read full chapter

23 Subalit ngayong wala nang lugar na maaari kong puntahan para sa gawain sa mga lupaing ito, at dahil maraming taon ko na ring nais na madalaw kayo, 24 inaasahan kong magkikita tayo pagdaan ko riyan patungong Espanya. Inaasahan ko ring matutulungan ninyo ako sa aking paglalakbay patungo roon, matapos tayong magkasama-sama nang kaunting panahon. 25 Samantala, papunta (A) ako ngayon sa Jerusalem, na may dalang tulong sa mga kapatid[a] doon. 26 Sapagkat minabuti ng mga taga-Macedonia at ng mga taga-Acaia na magkaloob ng tulong para sa mga dukhang kapatid na nasa Jerusalem. 27 Malugod (B) nilang ginawa iyon bilang pagtanaw ng utang na loob sa mga Judio. Sapagkat ang mga Hentil ay naging kabahagi sa mga pagpapalang espirituwal ng mga Judio, nararapat lamang nilang tulungan ang mga Judio sa mga bagay na materyal. 28 Kapag nagawa ko na ito, at natiyak kong natanggap na nila ang kaloob na ito, daraan ako sa inyo patungong Espanya.

Read full chapter

Footnotes

  1. Roma 15:25 Sa Griyego, banal.