Add parallel Print Page Options

Pananampalataya o Pagsunod sa Kautusan

O mangmang na mga taga-Galacia, sino ang bumighani sa inyo upang huwag ninyong sundin ang katotohanan? Malinaw naming ipinaliwanag sa inyo ang patungkol kay Jesu­cristo na ang mga tao ang nagpako sa kaniya.

Ito lamang ang ibig kong malaman mula sa inyo: Tinanggap ba ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan, o sa pamamagitan ng pakikinig na may pananampalataya? Ganyan ba kayo kamangmang?Kayo ay nagsimula sa pamamagitan ng Espiritu. Kayo ba ngayon ay ginawang ganap sa pamamagitan ng gawa ng tao? Kayo ba ay naghirap sa maraming bagay para lang sa walang kabuluhan, kung ito nga ay walang kabuluhan? Ibinibigay ng Diyos sa inyo ang kaniyang Espiritu at gumagawa ng mga himala sa inyong kalagitnaan. Kaya nga, ginawa ba niya ito sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan o sa pamamagitan ng pakikinig na may pananam­palataya?

Read full chapter

Kautusan o Pananampalataya

Nasisiraan na kayo ng ulo, mga taga-Galacia! Sino ba ang gumayuma sa inyo? Maliwanag na ipinahayag sa inyo kung paanong ipinako si Cristo sa krus! Sagutin nga ninyo ito: tinanggap ba ninyo ang Espiritu dahil sa pagtupad ninyo sa mga hinihingi ng Kautusan, o sa pamamagitan ng pananampalataya sa narinig ninyong ebanghelyo? Talaga bang nasisiraan na kayo ng ulo? Nagsimula kayo sa Espiritu, at ngayo'y nais ninyong magtapos sa sariling pagsisikap? Wala na bang halaga sa inyo ang mga pinaghirapan ninyo? Tiyak kong mayroon! Ipinagkaloob ba ng Diyos sa inyo ang Espiritu at gumagawa ba siya ng mga himala sa gitna ninyo dahil sa mga gawa ninyo ayon sa Kautusan, o dahil sa pananampalataya ninyo sa inyong narinig?

Read full chapter

23 Ngunit bago dumating ang pananampalataya, tayo ay nabilanggo sa ilalim ng kautusan, at nilagyan ng hangganan para sa pananampalataya na ihahayag pagkatapos. 24 Kayanga, ang kautusan ang naging patnugot natin upang tayoay dalhin kay Cristo at upang tayo ay mapaging-matuwidsa pamamagitan ng pananampalataya. 25 Ngayon, kapag dumating na ang pananampalataya, tayo ay hindi na sa ilalim ng isang patnugot.

Read full chapter

23 Ngunit bago dumating ang panahon ng pananampalataya ay nasa ilalim tayo ng kapangyarihan ng Kautusan hanggang ang pananampalataya kay Cristo ay mahayag. 24 Kaya't ang Kautusan ay naging tagapagturo natin hanggang dumating si Cristo, upang tayo'y ituring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya. 25 Subalit ngayong dumating na ang panahon ng pananampalataya kay Cristo ay wala na tayo sa pangangalaga ng Kautusan.

Read full chapter

Si Hagar at si Sara

21 Kayong ibig na mapasa-ilalim ng kautusan, magsabi kayo sa akin: Hindi ba ninyo naririnig kung ano ang sinasabi ng kautusan?

22 Sapagkat sinasabi ng kasulatan na si Abraham ay may dalawang anak na lalaki. Ang isa ay anak sa aliping babae at ang isa ay anak sa babaeng malaya. 23 Subalit ang anak sa aliping babae ay isinilang ayon lamang sa paraan ng laman at ang anak sa malayang babae ay isinilang sa pamamagitan ng pangako.

24 Ang mga bagay na ito ay mga paghahambing sapagkat ang dalawang babaeng ito ay kumakatawan sa dalawang tipan. Ang isa ay mula sa bundok ng Sinai. Siya ay manganganak ng anak sa pagkaalipin. Ang babaeng ito ay si Hagar. 25 Ito ay sapagkat si Hagar ay kumakatawan sa bundok ng Sinai na nasa bansang Arabia. Siya ang tumutukoy sa Jerusalem sa ngayon at ang kaniyang mga anak ay nasa pagkaalipin.

Read full chapter

Paghahambing kina Hagar at Sarah

21 Sabihin ninyo sa akin, kayong nagnanais pailalim sa Kautusan: hindi ba ninyo naririnig ang sinasabi ng Kautusan? 22 Sapagkat (A) nasusulat doon na si Abraham ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki, isa sa aliping babae, at isa sa babaing malaya. 23 Ang anak niya sa alipin ay ipinanganak sa karaniwang paraan,[a] ngunit ang anak niya sa babaing malaya ay isinilang bilang katuparan ng pangako ng Diyos. 24 Ito'y isang paghahambing: Ang mga babaing ito'y larawan ng dalawang tipan. Ang isa ay ang tipan na nagmula sa bundok ng Sinai na inilalarawan ni Hagar na nagsilang ng mga anak para sa pagkaalipin. 25 Ngayon, si Hagar ay kumakatawan sa bundok ng Sinai sa Arabia, at larawan ng kasalukuyang Jerusalem na nasa pagkaalipin, kasama ng kanyang mga mamamayan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Galacia 4:23 Sa Griyego, ayon sa laman.