Mga Gawa 19:29
Magandang Balita Biblia
29 Kaya't nagkagulo ang mga tao sa buong lungsod; sama-sama silang sumugod sa tanghalan at kinaladkad nila roon sina Gaius at Aristarco, mga taga-Macedoniang kasama ni Pablo sa paglalakbay.
Read full chapter
Mga Gawa 27:2
Magandang Balita Biblia
2 Sumakay kami sa isang barkong galing sa Adramicio, papunta sa lalawigan ng Asia, at naglakbay kami kasama si Aristarco, na isang taga-Macedonia na nagmula sa Tesalonica.
Read full chapter
Filemon 24
Magandang Balita Biblia
24 Kinukumusta(A) ka rin nina Marcos, Aristarco, Demas, at Lucas, na mga kasama ko sa gawain.
Read full chapter
Mga Gawa 12:12
Magandang Balita Biblia
12 Nang maunawaan niya ang nangyari, nagpunta siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na tinatawag ding Marcos. Maraming nagkakatipon doon at nananalangin.
Read full chapter
Mga Gawa 12:25
Magandang Balita Biblia
25 Nang matapos nina Bernabe at Saulo ang kanilang tungkulin, bumalik sila sa Jerusalem[a] kasama si Juan na tinatawag ding Marcos.
Read full chapterFootnotes
- Mga Gawa 12:25 sa Jerusalem: Sa ibang manuskrito'y mula sa Jerusalem at sa iba pang mga manuskrito'y mula sa Jerusalem patungong Antioquia .
Mga Gawa 13:13
Magandang Balita Biblia
Sa Antioquia sa Pisidia
13 Mula sa Pafos, naglayag sina Pablo hanggang sa Perga sa Pamfilia; humiwalay naman sa kanila si Juan[a] at nagbalik sa Jerusalem.
Read full chapterFootnotes
- Mga Gawa 13:13 JUAn: Ang Juan na ito ay tinatawag ding Marcos (tingnan ang 12:12).
Mga Gawa 15:37-39
Magandang Balita Biblia
37 Nais ni Bernabe na isama si Juan na tinatawag ding Marcos. 38 Ngunit(A) ayaw ni Pablo, sapagkat hindi ito nagpatuloy na sumama sa kanilang gawain, sa halip, ito'y humiwalay sa kanila sa Pamfilia. 39 Nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo kaya't naghiwalay sila. Isinama ni Bernabe si Marcos at naglayag sila papuntang Cyprus.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.