Mga Bilang 5:3
Ang Biblia (1978)
3 Lalake at babae ay kapuwa ninyo ilalabas, sa (A)labas ng kampamento ilalagay ninyo sila; upang huwag nilang ihawa ang kanilang kampamento na aking tinatahanan sa (B)gitna.
Read full chapter
Mga Bilang 19:13
Ang Biblia (1978)
13 Sinomang humipo ng patay, ng bangkay ng taong patay, at hindi maglilinis, ay ihahawa ang (A)tabernakulo ng Panginoon; at ang taong yaon ay ihihiwalay sa Israel: sapagka't ang tubig para sa karumihan ay hindi iniwisik sa kaniya, siya'y magiging marumi; (B)ang kaniyang karumihan ay sumasakaniya pa.
Read full chapter
Mga Bilang 19:20
Ang Biblia (1978)
20 Nguni't ang taong magiging marumi, at hindi maglilinis, ay ihihiwalay ang taong yaon sa gitna ng kapulungan, sapagka't kaniyang inihawa ang santuario ng Panginoon: ang tubig para sa karumihan ay hindi nawisik sa kaniya; siya'y marumi.
Read full chapter
Ezekiel 5:11
Ang Biblia (1978)
11 Kaya't buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, walang pagsala, na (A)sapagka't iyong nilapastangan ang aking santuario ng lahat mong kasuklamsuklam na bagay, at ng lahat mong karumaldumal, kaya't akin namang babawasan ka; ni hindi magpapatawad ang aking mata, at ako nama'y hindi mahahabag.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978