Mga Bilang 15:3
Ang Biblia (1978)
3 (A)At maghahandog kayo sa Panginoon ng pinaraan sa apoy na handog na susunugin, o ng hain upang tumupad ng panata, o ng (B)kusang handog, o sa (C)inyong mga takdang kapistahan, upang gawing masarap na (D)amoy sa Panginoon, na mula sa bakahan, o mula sa kawan:
Read full chapter
Mga Bilang 15:8
Ang Biblia (1978)
8 At pagka maghahanda ka ng isang toro na handog na susunugin, o upang ihain, sa katuparan ng isang panata, o (A)upang mga handog sa Panginoon tungkol sa kapayapaan;
Read full chapter
Mga Awit 61:8
Ang Biblia (1978)
8 Sa gayo'y aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man.
(A)Upang maisagawa ko araw-araw ang aking mga panata.
Mga Awit 65:1
Ang Biblia (1978)
Sa Pangulong Manunugtog. Salmo. Awit ni David.
65 Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo, Oh Dios, sa Sion:
At sa iyo'y maisasagawa ang panata.
Eclesiastes 5:4-5
Ang Biblia (1978)
4 (A)Pagka ikaw ay nananata ng panata sa Dios, (B)huwag kang magliban ng pagtupad; sapagka't siya'y walang kaligayahan sa mga mangmang: tuparin mo ang iyong ipinanata.
5 (C)Maigi nga ang ikaw ay huwag manata, kay sa ikaw ay manata at hindi tumupad.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978