Mga Awit 89:4
Ang Biblia (1978)
4 Ang binhi mo'y itatatag ko magpakailan man,
At aking itatayo ang luklukan mo sa lahat ng (A)sali't saling lahi. (Selah)
Mga Awit 89:29
Ang Biblia (1978)
29 Ang kaniya namang binhi ay pananatilihin ko magpakailan man,
At ang luklukan niya'y (A)parang mga araw ng langit.
Mga Awit 89:36-37
Ang Biblia (1978)
36 Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man;
At ang kaniyang luklukan ay (A)parang araw sa harap ko.
37 Matatatag magpakailan man na parang buwan,
At tapat na (B)saksi sa langit. (Selah)
Isaias 9:7
Ang Biblia (1978)
7 Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay (A)hindi magkakaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at (B)upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailan man. Isasagawa ito ng (C)sikap ng Panginoon ng mga hukbo.
Read full chapter
Ezekiel 37:25
Ang Biblia (1978)
25 At (A)sila'y magsisitahan sa lupain na aking ibinigay kay Jacob na aking lingkod, na tinahanan ng inyong mga magulang; at sila'y magsisitahan doon, sila at ang kanilang mga anak, at ang mga anak ng kanilang mga anak, (B)magpakailan man: at si David na (C)aking lingkod ay magiging kanilang prinsipe magpakailan man.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978