Mga Awit 69:26-27
Ang Biblia (1978)
26 Sapagka't kanilang hinabol siya na iyong sinaktan,
At (A)sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan.
27 (B)At dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan:
At huwag silang masok sa iyong katuwiran.
Mga Awit 69:30-33
Ang Biblia (1978)
30 Aking pupurihin ng awit ang pangalan ng Dios,
At dadakilain ko siya ng pasalamat.
31 At kalulugdan ng Panginoon na higit kay sa isang baka,
O sa toro na may mga sungay at mga paa.
32 (A)Nakita ng mga maamo, at nangatuwa:
(B)Mabuhay ang puso, ninyong nagsisihanap sa Dios.
33 Sapagka't dinidinig ng Panginoon ang mapagkailangan,
At hindi hinahamak ang kaniyang mga bilanggo.
Mga Hebreo 1:5
Ang Biblia (1978)
5 Sapagka't kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man,
Ikaw ay (A)aking Anak,
Ikaw ay aking ipinanganak ngayon?
at muli,
(B)Ako'y magiging kaniyang Ama,
At siya'y magiging aking Anak?
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978