Font Size
Mga Awit 69:21
Magandang Balita Biblia
Mga Awit 69:21
Magandang Balita Biblia
21 Sa(A) halip na pagkain, nang ako'y magutom, ang dulot sa aki'y mabagsik na lason.
Suka at di tubig ang ipinainom.
Mga Awit 22:15
Magandang Balita Biblia
Mga Awit 22:15
Magandang Balita Biblia
15 Itong aking lalamuna'y tuyong abo ang kagaya,
ang dila ko'y dumidikit sa aking ngalangala,
sa alabok, iniwan mo ako na halos patay na.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.