Mga Awit 121
Ang Biblia (1978)
Ang Panginoon ang tagapagingat ng kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.
121 Ititingin ko ang aking mga mata sa (A)mga bundok;
Saan baga manggagaling ang aking saklolo?
2 (B)Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
3 (C)Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos:
Siyang nagiingat sa iyo, ay (D)hindi iidlip.
4 Narito, siyang nagiingat ng Israel
Hindi iidlip ni matutulog man.
5 Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo:
Ang Panginoon ay (E)lilim mo sa iyong kanan.
6 Hindi ka sasaktan (F)ng araw sa araw,
Ni ng buwan man sa gabi.
7 Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan;
Kaniyang (G)iingatan ang iyong kaluluwa.
8 (H)Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978