Mga Awit 119:11
Ang Biblia (1978)
11 Ang salita mo'y aking iningatan (A)sa aking puso:
Upang huwag akong magkasala laban sa iyo.
Mga Awit 119:41
Ang Biblia (1978)
VAU.
41 (A)Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon,
Sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita.
Mga Awit 119:76
Ang Biblia (1978)
76 Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob,
Ayon sa iyong salita sa iyong lingkod.
Mga Awit 119:82
Ang Biblia (1978)
82 (A)Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong salita,
Samantalang aking sinasabi, Kailan mo ako aaliwin?
Mga Awit 119:103
Ang Biblia (1978)
103 (A)Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa!
Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!
Mga Awit 119:116
Ang Biblia (1978)
116 Alalayan mo ako ayon sa iyong salita, upang ako'y mabuhay;
(A)At huwag mo akong hiyain (B)sa aking pagasa.
Mga Awit 119:123
Ang Biblia (1978)
123 Pinangangalumatahan (A)ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
At ang iyong matuwid na salita.
Mga Awit 119:140
Ang Biblia (1978)
140 Ang salita mo'y (A)totoong malinis;
Kaya't iniibig ito ng iyong lingkod.
Mga Awit 119:148
Ang Biblia (1978)
148 (A)Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi,
Upang aking magunita ang salita mo.
Mga Awit 119:154
Ang Biblia (1978)
154 (A)Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako:
Buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
Mga Awit 119:162
Ang Biblia (1978)
162 Ako'y nagagalak sa iyong salita,
(A)Na parang nakakasumpong ng malaking samsam.
Mga Awit 119:170
Ang Biblia (1978)
170 Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik:
Iligtas mo ako ayon sa iyong salita.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978