Mateo 9:22
Ang Biblia (1978)
22 Datapuwa't paglingon ni Jesus at pagkakita sa kaniya, ay sinabi, Anak, laksan mo ang iyong loob; pinagaling ka ng (A)iyong pananampalataya. At gumaling ang babae mula sa oras na yaon.
Read full chapter
Mateo 9:28-29
Ang Biblia (1978)
28 At nang pumasok siya sa bahay, ay nagsilapit sa kaniya ang mga lalaking bulag: at sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisisampalataya baga kayo na magagawa ko ito? Sinabi nila sa kaniya, Oo, Panginoon.
29 Nang magkagayo'y (A)kaniyang hinipo ang mga mata nila, na sinasabi, (B)Alinsunod sa inyong pananampalataya ay siyang mangyari sa inyo.
Read full chapter
Mateo 15:28
Ang Biblia (1978)
28 Nang magkagayo'y sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Oh babae, (A)malaki ang pananampalataya mo: mangyari sa iyo ayon sa ibig mo. At gumaling ang kaniyang anak mula sa oras na yaon.
Read full chapter
Marcos 10:52
Ang Biblia (1978)
52 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka ng iyong lakad; pinagaling ka (A)ng iyong pananampalataya. At pagdaka'y tinanggap niya ang kaniyang paningin, at siya'y sumunod sa kaniya sa daan.
Read full chapter
Lucas 7:9
Ang Biblia (1978)
9 At nang marinig ni Jesus ang mga bagay na ito, ay nagtaka siya sa kaniya, at lumingon at sinabi sa karamihang nagsisisunod sa kaniya, Sinasabi ko sa inyo, Hindi ako nakasumpong ng (A)ganitong kalaking pananampalataya, hindi, kahit sa Israel man.
Read full chapter
Lucas 7:50
Ang Biblia (1978)
50 At sinabi niya sa babae, Iniligtas ka (A)ng iyong pananampalataya; (B)yumaon kang payapa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978