Mateo 26:69-70
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ikinaila ni Pedro si Jesus(A)
69 Samantala, si Pedro ay nakaupo noon sa patyo. Nilapitan siya ng isang utusang babae at sinabi sa kanya, “Kasamahan ka rin ni Jesus na taga-Galilea, hindi ba?”
70 Ngunit nagkaila si Pedro sa harap ng lahat. “Wala akong nalalaman sa sinasabi mo,” sagot niya.
Read full chapter
Marcos 14:66-68
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Pagkakaila ni Pedro kay Jesus(A)
66 Samantala, si Pedro naman ay nasa patyo sa ibaba nang lumapit ang isang babaing katulong ng pinakapunong pari. 67 Nakita nito si Pedro na nagpapainit sa apoy, pinagmasdang mabuti at pagkatapos ay sinabi, “Kasama ka rin ni Jesus na taga-Nazaret!”
68 Ngunit nagkaila si Pedro, “Wala akong nalalaman sa sinasabi mo.” Umalis siya at nagpunta sa labasan [at tumilaok ang manok].[a]
Read full chapterFootnotes
- 68 at tumilaok ang manok: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
Lucas 22:55-57
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
55 Nagsiga sila sa gitna ng patyo at naupo sa paligid ng apoy, at si Pedro ay nakiumpok sa kanila. 56 Nang makita siya ng isang utusang babae, siya'y pinagmasdang mabuti. Pagkatapos ay sinabi ng babae, “Kasama rin ni Jesus ang taong ito!”
57 Ngunit ikinaila iyon ni Pedro, “Babae, ni hindi ko siya kilala!”
Read full chapter