Font Size
Mateo 26:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mateo 26:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nakipagkasundo si Judas na Ipagkanulo si Jesus(A)
14 Si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa, ay nakipagkita sa mga punong pari. 15 “Ano(B) po ang ibibigay ninyo sa akin kung tulungan ko kayong madakip si Jesus?” tanong niya. Noon di'y binayaran nila si Judas ng tatlumpung pirasong pilak. 16 Mula noon, humanap na si Judas ng pagkakataon upang maipagkanulo si Jesus.
Read full chapter
Marcos 14:10-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Marcos 14:10-11
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nakipagsabwatan si Judas(A)
10 Si Judas Iscariote, na kabilang sa Labindalawa, ay pumunta sa mga punong pari upang ipagkanulo si Jesus. 11 Natuwa sila nang marinig nila ang alok ni Judas at nangakong bibigyan siya ng salapi. Mula noo'y humanap na si Judas ng pagkakataong maipagkanulo si Jesus.
Read full chapter